Saturday, March 21, 2015

Bangka at Sagwan ng buhay ko.

     Sa kahuli hulihang pumatak ang aking mga luha ay dama ko na ang bawat pag tulo neto ay malalim ang pinang gagalingan at marahil isa sa mga dahilan dito ay ang pag sasara ng aking puso sa isang pinaka magandang kwento ng aking buhay ng ikaw ay nasa akin pang piling, Lagi kong tinatanong sa Dios bakit nga ba kailangan kong pag daanan ang malungkot na bahagi ng buhay gayung hindi naman Nya kailanman ni nais na ang bawat isa sa atin ay makaranas ng kalungkutan, at sa pag hahanap ko ng mga kasagutan ay nasumpungan ko habang ako ay nag babalik tanaw sa aming mga nakaraan at mga pinag daanan, at doon ay nakita ko na hindi naka disenyo sa isang larawan na kung saan ay nag papakita ng maraming kulay na sana ay makaka pag bigay aliw sa bawat taong makaka saksi neto, sana sa larawang eto ay maka agaw pansin dahil sa taglay netong kagandahan na tila ba'y pag nakita mo ay paulit ulit mo syang titingnan dahil nakaka humaling sya sa iyong paningin, ngunit sa kabila ng makulay at matingkad na pag pinta neto ay may kinukubli syang lungkot na hindi kayang ipinta ng sino mang tao sa mundo. akala ko ay masaya na sya dahil sa samo't saring kulay na nakaka aliw ngunit hindi pala sapat ang kulay neto upang magdikta ng tunay na kasiyahan dahil maaring nakaka aliw lamang sya sa paningin ngunit may kinukubling kalungkutan at madilim na bahagi sa likod neto. inihambing ko ang mundo ng pag ibig ko sa larawang eto na puno ng magagandang kulay na nag tataglay ng walang kapantay na ganda sa paningin ngunit sa likod ay may nakatagong kalungkutan dahil masasabi ko lang na masaya ako na kasama ko ang taong mahal ko ngunit wala kang kapayapaan sa puso at isip dahil nananatili ka sa isang pag sasama na kailanman ay hindi makakapag bigay lugod sa harapan ng Dios. Naaalala ko pa sa unang pag kakataon na masulyapan ko ang kanyang mga mata, ang hugis ng kanyang mukha ay nangungusap eto ng pag mamahal at sa kanyang napaka among anyo ay taglay neto ang kapangyarihan na mapa ibig nya ang sino mang maka sulyap neto at marahil yun ang unang pagkakataon na umibig ako ng buong puso ko, sa mga oras na yun ay yinakap ko sya at sa mga yakap na yun ay parang ayaw ko ng makawala pa dahil alam ko at ramdam ko na sya na ang taong makakasama ko sa habang panahon, at sa higpit ng pag kakayakap ko ay hindi ko alintana ang pag patak ng aking mga luha tanda ng tunay at wagas na pag tanggap ko na ang taong nasa aking harapan ay sya ring taong makakasama ko sa hirap at ginhawa.

    Lumipas ang mga araw at panahon ay patuloy naming pinag saluhan ang bawat sandali na parang kami na lamang ang taong nabubuhay sa mundo, masaya ka dahil kasama mo sya, masaya ka dahil nakikita mong masaya sya sa piling mo, masaya ka dahil bawat tibok ng puso mo ay inaalay mo sa kanya, ano pa nga ba ang hahanapin mo sa mundo, kahit materyal na bagay ay hindi kayang tumbasan ang kaligayahan na yun dahil makita mo lang sa bawat oras ang taong minamahal mo ay sapat na yun para madugtungan ang buhay mo at manatili ka sa mundong ibabaw ng punong puno ng pag asa.
    Hinayaan ko na mag patuloy ang bawat oras na ikaw ang laman ng puso at isip ko dahil dito ay nakalimutan kong huminga at lumanghap ng hangin para mabuhay at bigyan ko ng ibang bagay ang aking sarili, nakuntento ako sa presensya mo na tila ba'y sapat eto para mabuhay ko hanggang sa unti unti kong pag talikod sa ibang personal na bagay at bahagi ng aking buhay, nakalimutan ko na may ibang tao sa paligid ko, nakalimutan ko na may mga paa pala ako para maka lakad at makatayo ng sarili at mga kamay para makahawak ng ibang bagay, naka limutan kong may ibang tao pa palang nag hihintay ng aking atensyon at presensya, lahat ng yun ay nakalimutan ko ng dahil sa pag mamahal ko para sayo at tulad ng sinasabi ko palagi sa sarili ko, hindi ko naman pinag sisisihan yung mga nagawa ko sapagkat ginawa ko yun ng dahil sa pag mamahal ko sayo, at aminin ko man sa hindi minsan pa ay dinanas ko ang pinaka masayang bahagi ng buhay sa piling mo.
    Ngunit isang araw ay nabagabag ako ng isang pang yayari at pag kakataon at ginising ako sa isang mahimbing na pag kakatulog at tila ba'y binuksan ang aking mga mata upang makakita pa ako ng ibang bagay sa aking paligid at ipinaalam sakin na may Dios pa na kailangan kong bigyan ng bahagi sa puso at buhay ko, lumuha ako sa mga sandaling yun dahil sa dagok ng isang napaka sakit na pag subok ay pinadama sakin na hindi lang ang minamahal ko ang taong nabubuhay sa mundo at hindi lang sya ang bagay na maaari kong makita at mahawakan kundi may mga ibang bagay pa na kailangan ko ding bigyan o pag tuunan ng pansin, kaya sa mga panahon na dumating sakin ang pag subok ay pinadama sakin ng Dios na Sya parin ang una at ang huli ang nag bibigay at nag kakaloob ng bawat bagay sa mundo, at sino ako para kalimutan Sya ng dahil sa isang tao na itinuring kong parang hangin na nagbibigay sakin ng buhay at lakas. Kaya sa mga panahon ng pag subok na binigay sakin ng Dios ay doon ko nakita na ako pala ay nabulag sa ganda ng isang larawan na punong puno ng iba't ibang kulay na syang umagaw ng aking atensyon ng dahil sa taglay na kagandahan neto, Binigay Nya sakin ang pag subok na yun upang matuto akong tumawag sa Kanya at hindi na Nya kailanman pina hintulutan pang mag patuloy ako sa ganung kalalagyan at ano pa't unti unti Nyang binawi sakin ang minsan pa'y inakala kong buhay ko na ayun pala ay dinadala na ako ng aking imahinasyon sa isang makipot na daan at masikip na mundo.
    At dahil dito ay sumakay ako sa isang bangka at iniabot sakin ng Dios ang sagwan at ini utos Nya sakin na umpisahan ko ang pag sagwan papalayo habang hindi pa huli ang lahat, at hinayaan Nyang hanapin at tuklasin ko pa ang ibang bahagi ng daigdig at sinabi na Nya na mas marami pang magagandang bagay sa aking paligid na mas higit pa sa kung ano ang meron ako sa kasalukuyan, at sa aking pag lalakbay na yun ay halo halong kaguluhan sa aking puso at isip dahil bawat araw na kasama ko sya ay unti unting na mumulat ang aking mga mata sa katotohanan na instrumento lang pala ang aking minamahal upang makadama ako ng ligaya at saya ngunit kailanman ay hindi sya maaaring maging aking mundo, at sa pag kakataong binigyan ako ng pag subok ay nakipag kasunduan ako sa Dios na pagkatapos Nyang ibigay sakin ang pag subok na to ay dapat ko ng turuan ang aking sarili na tuldukan ang sandali ng aking pananatili sa piling ng isang tao na para sakin ay tubig at pagkain para ako ay mabuhay at maging malakasa at maging masaya.
    At sa mga oras na napag panagumpayan ko ang pag subok ng Dios ay doon ako namulat na tapos na, dapat ko ng tuldukan ang lahat, dahil natupad na at ang aking mga hiniling na sa panahon na ako ay makalakad sa sarili kong mga paa ay lalayo ako sa kanya at hahanapin ko ang tunay kong mundo, ang tunay na mag bibigay sakin ng kasiyahan na may kapayapaan sa aking puso at isip. At sa bawat hampas ng sagwan sa tubig ay unti unti akong nakalayo hanggang sa tuluyan na syang nawala sa aking paningin at marahil ay doon ko na nadama ang sakit na alam kong kailanman ay hindi na ako maaaring bumalik sa aking pinanggalingan dahil ang agos na nag dadala sakin papalayo sa kanya ay sapat ang lakas upang tuluyan akong ikubli at ilayo sa kanya, at hindi ako binigyan ng Dios ng sapat na lakas upang sumagwan pabalik  dahil hindi na Nya kailanman ipag kakaloob sakin ang isang bagay na hindi nararapat para sakin. Oo bawat landas na aking tinahak sa mga sandali ng aking buhay at oras na dumadaan sa aking pag layo sa kanya ay may katumbas na patak ng luha dahil nakalayo man ako sa kanya sa pisikal na anyo ngunit binaon ko ang bawat alaala ng aming mga nakaraan na syang kumukurot sa aking puso upang manariwa ang bawat sandali ng aming mga pinag samahan, wala akong magawa sa aking pag lalakbay kundi lumuha dahil yun lang ang kakayahang binigay sakin ng Dios sa mga sandaling yun, kailanngan kong danasin ang sakit at lungkot bahagi to ng aking paglalakbay at proseso sa pag kakaroon ng bagong buhay at bagong puso, aaminin ko na naging napaka masalimuot ng proseso na yun dahil walang araw ang lumipas na hindi tumutulo ang aking mga luha dahil sa mga alaala na iniwan nya sakin, ngunit kung papipiliin ako sa dalawang bagay, ang pilitin kong bumalik sa kanya at maramdaman ko muli ang saya at ligaya na dito ko lang sa mundo mararanasan at walang tunay na kapayapaan sa puso, o ang lumayo sa kanya at hintayin ko ang inilaan sakin ng Dios na tunay na kaligayahan na buo ang pagkatao ko dahil naka mulat ang aking mga mata sa lahat ng bagay na meron ako sa aking paligid na hindi lamang pala sa iisang bagay naka tuon ang aking buhay?
    Kaya sa puntong eto ay masasabi ko na napaka dakila ng Dios dahil sa kabila ng lahat ng aking ginawa ay hindi Nya ako hinayaan na mabulag sa larawan na akala ko ay syang pinaka maganda sa lahat ng larawan na meron dito sa lupa, nag papasalamat ako sa Dios sa bangka at sagwan na aking sinasakyan at hinahawakan, dahil dito ay tuluyan akong nakalayo at marahil sa aking pag layo at pag lalakbay ay nakaranas ako ng matitinding alon ngunit habang lumilipas ang mga araw ay unti unting naging mapayapa ang tubig na aking dinadaanan at napawi sa aking puso ang takot, pagkabahala at pangamba, at ngayon marahil may alaala paring naiwan sa aking puso at isip ngunit kung iisipin ko lang ang daan na aking tinahak bago ko narating ang kasalukuyang kinalalagyan ko ay sapat na ang aking mga dinaanan upang masabi ko na. Tinuldukan ko na ang isang bahagi ng aking buhay na marahil ay magiging isa na lamang to sa aking mga alala na nag bigay sakin ng dahilan para maging mas matatag ako at matibay at upang maabot ko ang dulo ng aking pag lalakbay at eto, ay ang masumpunga ko ang tunay na kahulugan ng buhay, tunay na kahulugan ng kasiyahan ay kapayapaan, yun ay ang umuwi ako sa tunay kong tahanan at manatili sa piling ng Dios na Syang pinag mulan ng aking buhay at Syang nag bibigay ng tunay na kahulugan ng pag-ibig na kailanman ay hindi natin masusumpungan sa sino mang tao kundi tanging sa Kanya lamang. 

    Salamat sa pag kakataon na binigay sakin dahil dito ay naging matatag ako at natuto ako ngayon na mag bigay pansin sa ibang bagay na meron ako sa aking mga kamay at paligid, marahil ang aking mga nakaraan ay magiging bahagi nalang ng aking kwento at ang karanasan kong eto ang aking gagawing inspirasyon para mag patuloy sa panibagong yugto ng aking buhay na punong puno ng pag-asa at kulay. 

   Marahil ikaw na nag babasa neto at nakaranas ka rin ng isang malungkot na kwento ng pag-ibig at inakala mo na yun na ang pinakamasakit na bahagi ng iyong buhay at lumipas ang mga araw at panahon ay napawi sa puso at isip mo ang sakit at hapdi na iyong pinag daanan at maaaring masabi mo na lilipas pala lahat ng bagay kahit kabiguan ay natutuldukan rin. maaaring tama ka may hangganan ang lungkot ng isang tao ngunit ang alaala ng iyong nakaraan ay mananatili yan sa isang sulok ng isang puso dahil aminin mo man sa hindi, naging bahagi sya ng buhay mo at minsan pa rin ay nagkaroon kayo ng masasayang sandali at ang mga sandaling yun ay paulit ulit mong binabalikan sa mga oras ng iyong pag iisa. At ang tanging isang bagay lang ang masasabi mo "salamat sa mga sandali ng ating mga pinag samahan ngunit ngayon ay mas masumpungan ko na ang tamang tao na nagbibigay sakin ng balanseng buhay, hindi ko man nakita sayo yun ngunit bahagi ka ng ligaya na tinatamasa ko sa kasalukuyan, ng dahil sa ating mga nakaraan ay nagkaroon ako ng batayan sa tamang pag pili ng tunay at tamang klase ng pag-ibig".